2M DOSES NG PFIZER, SINOVAC DUMATING

DUMATING sa bansa ang 562,770 doses ng bakuna ng Pfizer-BioNTech at 1.5 milyong doses ng Sinovac.

Ani vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. ilalaan ang tig-51,480 ng Pfizer sa Cebu City at Davao City habang ang matitira ay ibabagsak sa Metro Manila.

Bahagi ito ng 40 milyong doses ng Pfizer na nabili ng pamahalaan noong Hunyo.

Sa kabuuan ay umabot na sa 3,038,670 doses ng Pfizer ang dumating sa bansa.

Samantala, bahagi ang bagong dating na 1.5 milyon doses ng Sinovac vaccine ng mga bakuna mula sa China na binili ng pamahalaan.

Bukas ng umaga ay inaasahang darating ang karagdagang 1 milyon doses na mula pa rin sa Sinovac. –WC