Agency head waldas sa pera ng gobyerno; ipinitesyon ng mga kapwa opisyal 

NASA hot seat ngayon ang pinuno ng isang ahensya ng pamahalaan dahil sa akusasyon ng labis na paglustay sa pondo at katangahan.

Ayon sa petition letter na nakuha ng aking spotter, mahilig pa lang magpabook sa mga mamahaling hotel si Sir na kung minsan ay tinatawag ring “Madam” ng kanyang mga staff.

Ginagawa niya ito kapag siya’y nag-iikot sa mga lalawigan para bisitahin kuno ang kanilang mga regional offices.

Nakalagay rin sa pirmadong petisyon ng mga regional heads ng ahensyang pinamumunuan ni Sir na madalas na kasama sa kanyang mga out of town trips ay mga kabarkada.

Kung baga ay wala namang kinalaman sa kanyang opisyal na trabaho na maghatid ng mga detalyadong accomplishment ng gobyerno.

Pasyal, ayon sa mga regional heads ang madalas na gawin ni sir sa kanyang pagbisita sa mga lalawigan.

Laman rin ng petisyon ang rebelasyon tungkol sa madalas na paghirit ng ating bida ng mga giveaways at ilan pang perks sa kanyang mga biyahe courtesy syempre ng kanilang regional offices.

May impormasyon rin akong nakuha na halos gawin na raw niyang bahay ang kanyang opisina kaya tumataas ang kanilang electric bill.

Bukod sa kanilang regional offices ay ginagawa rin daw na palabigasan ng ating bida ang ilang LGU sa pamamagitan ng pagpapa-sponsor sa kanilang mga lakad pati na ng shopping.

Abangan ang susunod na mga kabanata dahil naiparating na ang reklamo ng mga regional director ng ahensyang ito sa tanggapan ng pangulo.

Kailangan pa ba ng clue? Ang opisina niya ay malapit sa Quezon City circle.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]