Zamora bagong pangulo ng Metro Manila Council

NAHALAL si San Juan City Mayor Francis Zamora bilang bagong presidente ng Metro Manila Council (MMC).

Sa isinagawang pagpupulong ng MMC, inaprubahan din ang pagtatalaga kay Ret. PCol. Procopio Lipana bilang General Manager ng MMDA.

Inaprubahan din ang resolusyon kaugnay P9.7 bilyong pondo para sa operasyon ng MMDA.

“Yung budget ng MMDA this is the budget for Calendar year 2023 pero papasok pa sa Congress so maaari magbago pa ang budget,” sabi nj Zamora.

Hindi naman naaprubahan ang panukalang single ticketing system dahil hindi lahat ng mayor sa Metro Manila ay nakonsulta, ayon kay Zamora.

Aniya, maglalabas din ng panuntunan kaugnay ng pagbaban sa mga paputok sa New Year’s Eve.