Sexual consent itinaas sa 16-anyos

PINIRMAHAN ni Pangulong Duterte ang Republic Act No. 116481 na nagtataas sa minimum na edad ng sexual consent sa 16-anyos mula sa dating 12 taong gulang.

Inamyendahan ng Republic Act No. 116481 ang Anti-Rape Act of 1997, kung saan ikokonsidera nang rape ang pakikipagtalik ng mga nasa hustong edad sa mga menor-de-edad na wala pang 16-anyos.

Pinirmahan ni Duterte ang pinagsamang bersyon ng Senado at Kongreso noong Marso 4, 2022.