MRT may libreng sakay sa mga babae sa Int’l Women’s Day

LIBRENG sakay ang naghihintay sa mga babaeng pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) bukas, Marso 8, kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day.

Makasasakay ng libre ang mga kababaihan mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 hanggang alas-7 ng gabi.

Ayon kay MRT-3 officer in charge General Manager Assistant Secretary Eymard Eje, ang libreng sakay ay bilang pagkilala sa mga kontribusyon ng kababaihan sa lipunan.

“Kaisa po ng buong bansa ang pamunuan ng MRT-3 sa pagdiriwang at pagsaludo sa dedikasyon, galing, at puso ng bawat kababaihang Pilipino,” ayon kay Eje.

“Nawa sa simpleng paraan tulad ng aming libreng sakay ay makapaghatid tayo ng kasiyahan sa ating mga kababaihan sa kanilang espesyal na araw,” dagdag pa niya.