PUBs sinabihan na kumuha ng fare matrix para sa operasyon sa Edsa bus carousel

PINAYUHAN ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga public utility buses (PUBs) na kumuha ng fare matrix na magiging basehan ng kanilang singil ngayong tapos na ang libreng sakay.

“Ang Fare Matrix/Guide ay nagbibigay awtoridad sa mga PUV drivers na sumingil ng pasahe base sa fare rate na nakasaad sa naturang Fare Matrix/Guide,” sabi ng LTFRB.

Idinagdag ng LTFRB na aabot sa 550 ang nabigyan ng permit para bumiyahe sa EDSA bus carousel.

“Mapapalitan din ang ibang Point-to-Point Bus ng dalawang consortia sa EDSA Busway ng PUB units na pasok sa specifications ng iba pang PUB units sa naturang ruta. Ang mga ipapalit na PUB ay kailangang mag-apply ng special permit bago makapasada sa EDSA Busway,” dagdag ng LTFRB.