1 sugatan, 50 bahay wasak sa buhawi

ISA ang nasugatan at humigit-kumulang 50 bahay ang nawasak sa pananalasa ng buhawi sa Iloilo City at Oton sa Iloilo nitong Martes.

Ayon sa ulat, 39 bahay sa mga barangay ng Santo Domingo at Santa Cruz sa Iloilo City ang pinadapa ng buhawi.

Isang hindi nakilalang residente ng Santa Cruz ang nasugatan nang mabagsakan ng puno ang kanyang bahay.

Sa Sto. Domingo, anim ang totally damaged at 15 ang partially damaged habang sa Santa Cruz ay anim ang totally damaged at 12 ang partially damaged.

Samantala sa Oton, nasa 15 bahay sa Brgy. Alegre ang nasira at ilang puno ang bumagsak dahil ng buhawi.

Inaalam pa ng mga otoridad ang halaga ng mga pinsala.