Presyo ng diesel tataas ng P1.05/L; gasolina, P0.90/L

MAY dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo epektibo ngayong Martes kung saan aabot sa P1.05 kada litro ang itataas sa presyo ng diesel.

Bukod dito, tataas din ng P0.90 kada litro ang presyo ng gasolina.

Samantala, bababa naman ng P0.25 kada litro ang kerosene.

Sinabiww ng Department of Energy (DOE) na ang pagtaas ay dulot na rin ng pagtaas ng konsumo ng China dahil sa patuloy na pagbubukas ng ekonomiya nito.