Jackpot sa Dec. 2 draw ng Ultra Lotto aabot ng P320M

UMPISAHAN mo nang tumaya sa Ultra Lotto 6/58 dahil aabot lang naman sa P320 milyon ang jackpot sa gagawing draw sa Biyernes.

Ito ay matapos hindi masungkit ang P304.9 milyong jackpot sa naging bola nitong Martes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Walang nakakuha ng winning combination na 38-55-26-32-20-09.

Sa kabila nito, muntik-muntikan namang madale ng 16 mananaya ang jackpot combination matapos makakuha ng limang tamang numero. Dahil dito mag-uuwi sila ng tig-P120,000 premyo.  

Aabot naman sa 1,003 mananaya ang nakakuha ng apat na tamang numero at nanalo ng tig-P2,000.  

Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Linggo, Martes at Biyernes.