2 empleyado ng Pasig tiklo sa P600K bribe money

TIKLO ang dalawang empleyado ng Pasig City matapos maaktuhang tumatanggap ng P600,000 na suhol.

“Sa unang araw pagkatapos ng Oath-taking, nagka-ENTRAPMENT OPERATION kami ng PNP. Naaresto ang 2 empleyado, caught-in-the-act na tumatanggap ng suhol na 600,000 pesos,” sabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang tweet.

Nanumpa si Sotto noong Hunyo 30 para sa kanyang ikalawang termino.