10 naiulat na nasawi sa sunog sa Muntinlupa

AABOT sa 10 katao ang nasawi kabilang ang isang sanggol sa sunog na tumupok sa isang residential area sa Muntinlupa City Linggo ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy na tumupok sa isang bahay sa kahabaan ng Bruger St. sa Barangay Putatan alas-8:52 ng umaga.

Itinaas ito sa unang alarma alas-9:02 n at idineklarang under control pagkaraan ng 20 minuto.

Sinabi ni Fire Supt. Eugene Briones na ang mga nasawi, na nakulong sa bahay, ay magkakamag-anak.

“Confirmed po na magkakapamilya at nakuha na po mga katawan nila,” aniya.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente. 

Samantala, tiniyak naman ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon na makakatanggap ng tulong mula sa lokal na pamahalaan ang pamilya ng mga biktima.