1 wagi ng P401M sa Grand Lotto; publiko napasanaol

NASOLO ng isang maswerteng mananaya ang P401 million jackpot, ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng Grand Lotto 6/55.

Natumbok ng lone bettor ang winning combination (in any order) na 02-18-49-07-19-47.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa inaanunsyo ng PCSO ang lugar kung saan tumaya ang nanalo.

Gayunman, sinabi ng PCSO na 71 bettors ang nakakuha ng lima sa anim na winning numbers at nanalo ng tig-P100, 000 habang 5,011 ang nakahula ng apat sa anim na winning numbers at mag-uuwi ng tig-P1,500, at 110,867 naman ang kukubra ng tig-P60 makaraang matamaan ang tatlo sa anim na winning numbers.

At gaya ng inaasahan, napasanaol ang mga netizens sa swerteng dumating sa winner at agad nila itong hiningan ng balato.

“Paki gcash nalang po yung balato tanx.”

“Congratulations Po … Balato Po kahit pamalengke lng.. Puede na Po sa Gcash. pm is the Key… Advance Maraming Salamat Po.”

“Kahit tig 10k lang sa bawat pamilya gaya ng pangako ni allan peter cayetano.”

“Balato po.”

“Pahingi 1M lang.”

“Salamat sa panginoong dios mayron namang isang pamilyang makaahon sa hirap amen.”