Winner ng P571M jackpot: May nanalo pala talaga sa lotto

HINDI akalain ng isang lotto winner na meron pala talagang nanalo sa lotto kung hindi siya tumama.

Ayon sa isang taga Albay, lone winner ng P571 million jackpot ng Ultra Lotto 6/58 na binola noong Biyernes, na totoo palang may mga nananalo sa lotto.

Ginawa ng babae ang pahayag matapos niyang kubrahin ang lotto pot ngayong Martes, Enero 2, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Tinamaan niya ang winning combination na 19-35-25-42-58-05 na binola nitong Biyernes.

“Ang masasabi ko lang sa mga nagsasabi na hindi totoo ang mga nanalo sa Lotto ay nagkakamali po kayo. Kailangan niyo tumaya para malaman niyo na totoo ang lotto,” ayon sa bagong multi-millionaire.

Plano niyang itabi ang napanalunan at ilang bahagi ay ibibigay sa kawangggawa.