Vigor Mendoza itinalagang LTO chief

ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos si Vigor Mendoza bilang bagong hepe ng Land Transportation Office (LTO).

Si Mendoza ay dati na ring board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board at dating kongresista ng 1-United Transport Alliance Koalisyon (1-UTAK) partylist.

Pinalitan ni Mendoza si Jose Arturo Tugade, na una nang nagbitiw sa kanyang posisyon dahil sa diumano’y pagkakabangga ng method sa pagpapatakbo ng tanggapan ng LTO at LTFRB.