Truck nilamon ng bangin: 3 dedbol

TATLO katao ang nasawi at dalawa ang sugatan nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang truck sa Claveria, Misamis Oriental nitong Miyerkules.


Ayon sa pulisya, mabilis ang takbo ng truck sa kurbadang bahagi ng kalsada sa Sitio Ticala, Brgy. Sta. Cruz kaya nawalan ng kontrol ang driver.


Dumausdos ang truck sa mahigit 15 talampakan na bangin.


Dead on the spot si Kenmark Sagulay, residente ng Butuan City, makaraang madaganan ng sasakyan.


Naitakbo pa sa ospital ang mga obrerong sina Niño Undag at Jayward Gabiro, kapwa ng Claveria, subalit binawian ng buhay habang ginagamot.