Taga-Caloocan naka-jackpot ng P222.9M sa Grand Lotto

WAGI ang isang bettor na tumaya sa Caloocan City ng P222.9 milyong jackpot mula sa bola ng Grand Lotto 6/55 nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa kalatas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nasungkit ng nag-iisang mananaya ang tumpak na kombinasyon na 17- 26-30-39-14-07 na may kabubuuang jackpot prize na P222,993,453.20.

Sa Grace Park, Caloocan City, tumaya ang winner.

Samantala, 36 mananaya naman ang makapag-uuwi ng tig-P100,000 premyo matapos makakuha ng 5 tamang numero; habang ang 1,831 bettors ang kokolekta ng tig-P1,500 dahil sa nakakuha ng apat na tumpak na numero.

May isang taon ang mga nanalo para kunin ang kanilang premyo.

Binobola ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.