SWS: 9 sa 10 Pinoy OK sa voluntary masking

SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na aprubado ng siyam sa 10 Pinoy ang boluntaryong pagsusuot ng mask bilang pangontra sa coronaviru disease (Covid-19).

Sa isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022, 54 porsiyento ang nagsabi na magsusuot sila lagi ng mask kapag umaalis ng bahay.

Idinagdag ng SWS na 81 porsiyento naman ang nagsabi na pagsusuotin nila lagi ng mask ang mga bata kapag umaalis ng bahay.

Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondents.