SIM Registration deadline pinalawig hanggang Hulyo 25, 2023

INANUNSYO ng pamahalaan na extended ng 90 araw ang SIM registration.

Dahil dito, tatagal ang pagpaparehistro ng SIM hanggang Hulyo 25, 2023 mula sa dating deadline na Abril 26, 2023.

Ginawa ni Justice Secretary Crispin Remulla ang anunsyo.

Kasabay nito, nakatakdang magpulong sa Palasyo sina Pangulong Bongbong Marcos at kalihim ng Department of Information and Communications Technology na si Ivan Uy Martes ng umaga.

Una nang hiniling ng mga telecommunications companies sa gobyerno na palawigin pa ang deadline ng registration dahil sa wala pa sa kalahati ng 168 milyon SIM subscribers ang nakakapagparehistro.