Rosmar tinapatan pares overload ni Diwata: ‘Expensive look pero malinis’

PARA sa mga nagke-crave sa pares overload pero ayaw sa mahabang pila, may sagot diyan ang brand owner at social media personality na si Rosmar Tan.

Sa kanyang mga social media accounts, ibinandera ni Rosmar ang kanyang bersyon ng pares overload resto na matatagpuan sa  kanyang R Mansion Resort & Restobar sa Calauan, Laguna.

Sey ni Rosmar, P100 ang order ng isang tasa, na mayroong lechon kawali at chicharong bulaklak.

Unli rin ang rice at sabaw at may libre ring softdrinks.

Pero ang mas bongga, dagdag niya, habang kumakain ay pwede mong magamit ang facilities ng resort gaya ng swimming pool. Hindi lang expensive-looking ang pares, malinis ang pagkakaluto nito at hindi marumi ang lugar.