Rex Gatchalian lusot na sa CA, appointment sa DSWD sigurado na

NAKALUSOT na sa Commission on Appointments (CA) nitong Martes si dating Valenzuela Mayor Rex Gatchalian bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pumasa sa CA si Gatchalian, tatlong buwan matapos siyang i-appoint ni Pangulong Bongbong Marcos.

Bago ang kanyang appointment, nanalo si Gatchalian bilang kongresista ng Valenzuela.

Pinalitan ni Gatchalian si dating DSWD chief Erwin Tulfo na bigong makalusot sa CA dahil sa isyung may kinalaman sa kanyang citizenship at dahil sa kanyang libel conviction.

Bukod kay Gatchalian, 50 opisyal gin ng Armed Forces of the Philippines ang nakakuha ng approval ng CA.