Reaksyon ng netizens sa pagmumura niya sa kanta, OA sabi ni Daniel Padilla

PARA kay Daniel Padilla, OA o overacting ang reaksyon ng publiko sa pagmumura niya habang kumakanta sa kanyang birthday party noong Linggo sa Tanauan, Batangas.


Sa viral video, mapapanood si Daniel na inaawit ang Rivermaya hit song na “Hinahanap-Hanap Kita.”
Birit niya: “Pati lupang pinagsamahan/ Mukha yatang nilimot na/ Ng puso mong biglang lumisan/ At ngayon, put*** ina may kapiling ka nang iba.”


Nakorner naman ng entertainment journalist na si MJ Marfori si Daniel kamakailan at inurirat ang reaksyon ng aktor ukol sa pagmumura nito at kung may konek ba ito sa ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo at sa isa pang aktor na si Alden Richards.


“Ang OA ng mga tao. Masyadong OA ang mga tao. Nag-eenjoy lang ako. Relax,” ani Daniel.


Samantala, napabalita na isa si DJ sa mga may-ari ng theme park na J Castles sa Tanauan, na nagkaroon ng soft opening kahapon, May 1.