Pura Luka Vega hindi na rin welcome sa Cebu

INAPRUBAHAN ng konseho ng Cebu City ngayong Huwebes ang panukala na ideklarang “persona non grata” ang drag performer na si Pura Luka Vega.

Si Vega, Amadeus Fernando Pagente sa tunay na buhay, ay idineklara ring unwanted sa Manila, Laguna, Cagayan de Oro City, Bukidnon, Floridablanca sa Pampanga, Toboso sa Negros Occidental, at General Santos City.

Nagsimulang lumiit ang mundo ng drag performer matapos niyang ilabas sa social media ang video na nili-lipsynch ang rock version of “Ama Namin” habang nakasuot ng costume ni Kristo.