Presyo ng sibuyas tumaas na naman

TUMAAS ng P20 ang presyo ng kada kilo ng sibuyas, ayon sa monitoring ng Department of Agriculture.

Nasa P200 na naman ang presyo ng kada kilo ng sibuyas kumpara sa P180 kada kilo na naitala noong isang linggo.

Ito ay base na rin sa isinagawang monitoring ng DA sa ilang pamilihan sa Makati at Marikina nitong mga nakaraang araw.

Gayunman, naglalaro sa P160 hanggang P190 naman ang presyo ng sibuyas kada kilo sa ilang pamilihan sa Las Piñas City public market, San Andres Market, Quinta Market at Pritil Market sa Maynila; Pamilihang Lungsod ng Muntinlupa; Pasay City Market; Pasig City Market; Commonwealth Market, Muñoz Market, Mega Q-Market in Quezon City at Malabon Central Market.