Imelda sumailalim sa angioplasty

KINUMPIRMA ni Senador Imee Marcos na sumailalim sa isang mabigat na operasyon ang kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos.

Nitong Mayo 7 ay sumailalim si Imelda sa angioplasty sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig.

Tiniyak naman ng senadora na wala namang naging aberya sa operasyong ginawa sa ina na ngayon ay nagpapagaling na.

Nauna nang umugong ang isyu kaugnay ng kalusugan ng dating first lady.