Pinoy na walang trabaho nasa 2.33M noong Hunyo

UMAKYAT sa 2.33 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Hunyo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mataas ito sa naitala sa sinundang buwan na 2.17 milyon, dagdag pa ng ahensiya.

Ito’y matapos umabot sa 4.5 porsiyento ang unemployment rate noong Hunyo 2023.

Idinagdag ng PSA na katumbas ito ng karagdagang 159,000 Pinoy na nawalan ng hanapbuhay.

Umabot naman sa sa 12 porsiyento ang underemployment rate noong Hunyo 2023 katumbas ng 5.87 milyon.