PH may 14K kaso ng Covid sa nakalipas na linggo

NAKAPAGTALA ng 14,640 bagong kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa bansa sa nakalipas na isang linggo.

Sa pinakahuling datos ng DoH, lumalabas na tumaas ng 40 porsiyento ang mga kaso ng Covid-19.

Umabot naman sa 2,019 ang arawang kaso ng Covid-19 mula Hulyo 11 hanggang 17.

Tinatayang 589 o 8.7 porsiyento ng mga naoospital dahil sa Covid-19 ay mga severe at kritikal na kaso.