Paying it forward: Estudyante sa Cebu nagpakain nang libre

KINABILIBAN ng publiko ang isang estudyante sa Cebu City na namimigay ng libreng pagkain mula sa kanyang food cart.

Ayon kay Christian Geonzon, Management student sa University of Cebu, ipinamimigay niya sa mga nagugutom ang mga tinitinda niyang pagkain kapag naabot na niya ang target na kita sa buong araw.

“I’m always grateful sa mga blessings naabot, if makuha na nako ang quota sa sales, always nako ginahatag ang sobra or always ko mag share og mga foods sa mga tao,” aniya sa isang panayam.

Matatagpuan ang kanyang food cart sa labas ng UC.