P79M shabu nasabat sa NAIA

HALOS 12 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P79 milyon ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs at Philippine Drug Enforcement Agency sa isang warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Biyernes ng hapon.

Nakumpiska ang shabu habang nakapaloob sa apat na winter jacket.

Ayon kay PDEA-NCR Regional Director Emerson Rosales ang nasabing parcel ay nakapangalan kay Anie Rose Sarvano ng Eastern Samar at galing ng Pakistan, na madali ring inaresto ng mga awtoridad.

Tumanggi naman si Sarvano na magbigay ng pahayag matapos ang pagdakip sa kanya.