P3.50/L taas sa diesel sa Agosto 1

MAGPAPATUPAD ng malakihang taas presyo ang mga oil companies ngayong Martes.

Tataas ng P3.50 kada litro ang presyo ng diesel habang P3.25 naman ang itataas sa presyo sa kada litro ng kerosene at P2.10 naman sa gasolina.

Ayon sa Pilipinas Shell, ang bagong oil price hike ay ipatutupad simula alas-6 ng umaga sa Agosto 1.

Sinasabi na ang bagong oil price hike ay bunsod ng isinasagawang production cut ng mga oil-producing countries na Saudi Arabia at Russia.