Oil price adjustment: P2/L baba sa gasolina; P0.40/L taas sa diesel

MAY good news at may slight na bad news para sa mga motorista bukas, Oktubre 3, 2023.

Magpapatupad ng P2 rollback sa kada litro ng gasolina ang mga oil companies habang magtataas naman ng 40 sentimo sa kada litro ng diesel. May pagbaba rin ng 50 sentimo sa kada litro ng kerosene o gaas.

Noong isang linggo ay nagpatupad ang mga oil companies ng karampot na oil price rollback matapos ang 11 linggong oil price hike.