Obrero binagsakan ng backhoe, dedbol

SHOOT sa kulungan ang foreman na pinatay umano ang kanyang tauhan gamit ang backhoe sa Tanay, Rizal.

Ayon sa ulat ng pulisya, kinumpronta ni Melvin Tica ang foreman na si Domy Floren sa construction site sa Brgy. Tandang Kutyo dahil hindi umano siya nabayaran sa huling trabaho niya.

Sa gitna ng pagtalo ay ibinagsak ng suspek ang backhoe bucket sa biktima. 

Dead on the spot ang biktima sa tinamong mga sugat sa ulo at katawan.

Agad namang sumuko sa mga otoridad ang suspek. Aniya, nagawa niya ang krimen dahil pinagbantaan siya ng biktima.

“Hindi kasi siya nag-remit sa kanyang biyahe kasi siya driver, ahente. Sinugod niya ako sa backhoe e. Kung di niya ko sinugod, hindi siya namatay. [Nanakot siya] na hindi ka makauwi ng Antipolo, na hindi mo ako kilala sa Tanay,” sabi ng suspek.