Meralco magtataas ng singil ngayong Nobyembre

KONTING adjust pa ng budget dahil nakatakdang magtaas ng singil ang Manila Electric Co. (Meralco) ngaong buwan.

Ayon sa abiso, magtataas ng P0.0844 kada kilowatt-hour sa Nbyembre bunsod ng pag-angat ng presyo ng generation charge.

Dahil dito, sinabi ni Meralco vice president and head of corporate communications Joe Zaldarriaga, na aangat sa P9.9472 kwh mula sa dating P9.8628 kwh ang overall rate ng isang tipikal na household.

Sa mga kabahayan na kumukonsumo ng 200 kwh, asahan ang adjustment na P17 sa kanilang total electricity bill; habang P25 naman sa mga kumukonsumo ng 300 kwh; P34 para sa 400 kwh at P42 sa 500 kwh.

Paliwanag ni Zaldarriaga na ito ay bunsod ng generation charge na tumaas ng P0.0725 kada kwh mula sa dating P6.9192 kada noong isang buwan.