Longer voter registration hours OK pero…

INAPRUBAHAN ng Commission on Elections (Comelec) na ma-extend ang voter registration hours pero hindi ang registration period na nakatakdang pagtapos sa Setyembre 30.

Ito ang sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa kanyang Twitter account na nag-aanunsyo na inaprubahan ng en banc ang extension ng voter registration hanggang alas-7 ng gabi tuwing weekdays at hanggang 5 p.m. naman tuwing weekend, kabilang na ang mga holiday. Magbubukas ang mga tanggapan ng Comelec ng alas-7 ng umaga.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ilalabas ng en banc ang kabuuang guidelines ng mas pinahabang oras ng voter registration.