Kathryn Bernardo hindi na rin ‘friend’ sina Liza, Julia, Gillian

MAKARAANG i-unfollow ang ex-boyfriend na si Daniel Padilla sa Instagram, sabay-sabay rin na pinagtatanggal ni Kathryn Bernardo sa listahan ng kanyang mga sinusundan na personalidad sina Liza Soberano, Julia Barretto at Gillian Vicencio.

Hindi nasorpresa ang mga fans ni Kath sa pag-unfollow kina Liza at Julia dahil hindi naman umano malapit ang aktres sa dalawa.

Ang ipinagtataka nila ay kung bakit in-follow ni Kath si Gillian na nakasama niya sa teleseryeng “2 Good 2 Be True” at pelikulang “A Very Good Girl.”

Matatandaan na nadawit ang pangalan ni Gillian sa hiwalayan nina Kathryn at Daniel pero agad itong pinabulaanan ng newcomer.

“Wag niyo po ako idamay dito, hindi po totoo. Bigyan naman po natin sila ng respeto,” ani Gillian sa X nitong Disyembre makaraang kumalat ang chika sa social media na isa siya sa mga umano’y naging babae ni Daniel noong karelasyon pa nito si Kathryn.