Kasambahay wanted kay Matet

IBINALANDRA sa social media ng aktres na si Matet de Leon ang mukha ng kanyang kasambahay na lumayas makaraan siyang utangan ng P20,000.

Bukod sa utang, nagnakaw rin umano ang katulong na kanyang pinangalanan.

“If you see her anywhere please let us know. Stole from us. Tumakas pa. Please share also. Her name is…” caption ni Matet sa larawan ng kasambahay.

Ayon sa aktres, umalis ang katulong nang tumanggi siyang muling pautangin ito kamakailan.

“Di na namin pinautang aabot na siya sa 20K lumayas tuloy,” sagot niya sa isang nag-uusisang follower sa comment section.

Umayon naman si Matet sa isang nagsabi na mahirap talaga ang magtiwala.

“Kahit magpakita ka ng kabutihan wala rin,” sabi niya.

Bagamat nagsisisi dahil agad siyang nagtiwala sa kasambahay, inihayag ni Matet na “we are blessed.”

Warning niya sa publiko, mag-ingat sa nasabing maid. “She’s probably looking for another job right now,” sambit niya.

Sa kasalukuyan ay burado na ang post.