Jericho hindi nililigawan si Kathryn: ‘Too early for that’

HINDI naghahanap ng new love ang aktor na si Jericho Rosales na unang naiulat na nanliligaw kay Asia’s Superstar Kathryn Bernardo.


Nang tanungin kung may plano siyang pumasok sa isang relasyon ngayong taon, isang definite “no” ang sagot niya.


“It’s too early for that,” dagdag niya.


Ang tinutukoy ni Jericho ay ang paghihiwalay nila ng asawang si Kim Jones noong 2019 matapos ang 10 taon nila na pagsasama.


Matatandaang naiulat ng talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz diumano ay nanliligaw si Jericho kay Kathryn.


Ang impormasyon, dagdag ni Ogie, ay galing sa source niya mula sa kampo ng aktres.


Bukod kay Echo, nanliligaw rin umano ang Kapuso actor na si Alden Richards kay Kathryn.