Jayda nagpa-picture kay Andrea, Francine naimbyerna?

BUMIDA nang husto si Francine Diaz sa radio programa ni Cristy Fermin nang mag-guest dito kamakailan si Jayda Avanzado, ang dating BFF ang Kapamilya young actress.


Unang tanong ni Cristy kay Jayda ay kung totoo bang hindi na sila nag-uusap ni Francine.


“Para sa pagpapakatotoo po, matagal na rin pong hindi kami nag-uusap ni Francine, siguro po ang huli ay nu’ng birthday niya na binati ko siya in private. And magiging honest po ako na may mga nangyari po na hindi pagkakaunawaan sa aming dalawa or nagkaroon po ng disagreement,” ani Jayda.


Cristy: Ikorek mo ako kung hindi totoo, totoo bang nagkasama kayo sa isang party ni Francine Diaz at maraming-maraming artista ang nandoon nu’ng gabing iyon? At nagkataon na nagkaroon ka ng picture with Blythe, si Andrea.


Totoo ba na pagkatapos kang makita na nakipag-pose kay Andrea Brillantes kulang na lang na murahin ka niya? Anak, gusto kong malaman ang totoo kasi hindi ko gusto ‘yung pamemersonal. Hindi natin pag-aari ang mundo kahit sino ay puwedeng magparetrato kahit kanino. Ano ang totoo sa isyu?


Jayda: Well, totoo naman po na nagkasama kami ni Blythe sa isang party saka parang nagkataon lang din po talaga kasi co-host po siya ng party na iyon at nag-picture naman po talaga kami kasi maliit lang naman po ang mundo ng showbiz.


Ganito na lang po ‘Nay, siguro in respect to the events na nangyari po, sa ngayon po hindi ko na po ie-elaborate po ang mga detalye. Ito na lang po ang sasabihin ko, yung picture namin ni Blythe na I would just really say na importante sa akin na nakikisama po ako sa lahat ng tao sa industriya.


Aaminin ko po na nagkaroon po ako ng konting backlash sa post na ‘yun na nagsama po kami pero para po sa akin pinalaki po ako ng magulang ko po na dapat may respeto po ako sa lahat ng tao na nakikilala ko po sa industriya and lalo na po sa akin kung si Blythe man po ay nagpapakita ng maganda o okay na pagtrato sa akin.


Cristy: Walang ginawang masama sa iyo si Blythe! Sorry ha, hindi ako pabor do’n! Kung kaaway ko ang isang tao, hindi ako hahanap ng isa pa na aawayin ‘yung tao na kaaway niya, hindi tama ‘yun.


May nagkwento na naroon din sa party na tumalak si Francine ng, ‘Hindi mo ba alam na ‘yang si Blythe ang nag-try na sumira sa career ko? Mabuti na lang at hindi siya naging successful.’ May katotohanan?


Jayda: Sabi ko nga po ‘Nay in respect to the people involved, parang there are certain things din po na it’s not my place to say. Magiging prangka po ako na labas po ako sa isyu, so ayoko ko na pong sumali pa ro’n.