Ilang opisyal ng Quezon sugatan sa aksidente

NASUGATAN ang ilang konsehal ng Quezon nang bumangga sa puno ang sinasakyan nilang mini-bus sa Cagayan de Oro City nitong Miyerkules.


Nasa 23 opisyal ang sakay ng bus, kabilang si Burdeos Vice Mayor Gina Gonzales, ang kanyang 11 konsehal at 11 konsehal ng Sampaloc.


Hindi sinabi sa ulat kung ilan at kung sino-sino ang nasugatan sa insidente bagaman agad naitakbo sa pagamutan ang mga biktima.


Naganap ang aksidente habang dumadalo ang mga opisyal sa seminar ng Philippine Councilor’s League-Quezon Chapter.


Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang pangyayari.