Hontiveros, Mar Roxas, iba pa hindi pinayagang maki-birthday kay de Lima

HINARANG at pinaalis ng Philippine National Police ang ilang personalidad na gustong makipag-birthday kay dating Sen. Leila de Lima sa kulungan nito sa Camp Crame ngayong araw.

Kabilang sa mga hindi pinayagan sina dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, dating SC Associate Justice, dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, Sen Risa Hontiveros, at Rep. Edcel Lagman.

Naharang din sina dating Sen. Franklin Drilon, Atty. Christian Monsod, Prof. Winnie Monsod, dating Rep. Tom Villarin, dating mga kalihim na sina Mar Roxas at Julia Abad, at abogadong si Chel Diokno.

Inanunsyo ng kapatid ni de Lima na si Vicboy ang pangyayari.

Wala pang paliwanag ang PNP kung bakit hindi pinayagan ang grupo na madalaw si de Lima sa kaarawan nito.