Hiwalayang Ricci-Andrea kumpirmado; cheating dahilan ng breakup?

BINANATAN nang todo sa social media ng komedyanang si Awra Briguela ang basketball player na si Ricci Rivero makaraan nitong ianunsyo na hiwalay na sila ng aktres na si Andrea Brillantes.

Hindi naman pinangalanan ni Awra ang kanyang pinariringgan sa Twitter pero tinukoy ito ng mga tagasuporta bilang si Ricci dahil magkaibigan ang komedyana at si Andrea.

Unang hirit ni Awra: “Amackana gaslighter, manipulative, cheater. lol”

“Kala mo talaga ang linis,” sumunod niyang tweet.

“Bato bato bato sa langit ang matamaan wag?” at “WAG AKO” sabi pa ni Awra.

Ganito rin ang sentimento ng ilang tagasuporta ni Andrea na sinabing ginawa ni Ricci ang kumpirmasyon para maging “legit” na ang relasyon nito sa dating beauty queen at ngayon ay konsehala ng Los Baños, Laguna na si Leren Mae Bautista.

“Ang kapal mo nman po @_ricciiirivero bat mo klarohin at ipagsigawan din sa lahat na wala na kayo pra matapos dba? Naglalandi ka na me iniwan kapang gulo,” ayon kay @notursweetcandy sa Twitter.

Bago ito ay ni-repost ni Ricci ang IG story ni Leren na tila pine-flex ang basketball player. Burado na ang post ng dalawa.