Palasyo nakatutok sa pag-aluburuto ng Mayon, Taal

TINIYAK ni Pangulong Bongbong Marcos na nakamonitor siya sa kaganapan sa Mayon Volcano at Taal Volcano na sabay na nagpapakita ng kanilang pag-aalburuto nitong mga nakaraang araw.

“We have been watching both Mayon and Taal. Taal it seems is not in such a precarious — such a dangerous situation. Mayon is a little bit more advanced in terms of the… Hindi pa naman lumalabas ‘yung lava. If the lava flow starts, that’s when we really have a disaster,” sabi ni Marcos.

Idinagdag pa ng pangulon na nagsasagawa na ng kaukulang paghahanda ang ilang mga ahensiya ng pmahalaan sakaling pumutok ang dalawang bulkan.

“Right now, what we are doing is preparing and moving people away from the area so that should the time come, I hope it doesn’t happen, but unfortunately the science tells us na parang ganun na nga ang mangyayari kasi ‘yung the lid or the cap on top of the lava is slowly rising, not so slowly rising, at baka puputok nga. Kaya’t nakaabang tayo nang husto at naka-ready na naman tayo. At ganun naman talaga ang ating ginagawa. We watch it very, very closely. Make sure that any of the communities that could be affected are evacuated and are given assistance while they are evacuated until the time that they can return to their homes,” dagdag ni Marcos.