Gloria Arroyo kay Digong: Balik-politika ka na

HINIHIKAYAT ni dating Pangulo at ngayon ay Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo si dating Pangulong Duterte na magbalik-politika na.

Ito ay ayon sa close aide ni Duterte na si Senador Bong Go, matapos ang saglit na pagkikita ng dalawang dating pangulo kasama si dating Senate President Tito Sotto at dating Executive Secretary Salvador Medialdea sa Cardinal Santos Hospital nitong weekend.

Nagtungo sa ospital si Duterte para sa kanyang routine checkup nang maganap ang pag-uusap ng dalawang dating lider, ayon kay Go.

Naghapunan ang mga ito kasama sina Sotto at Medialdea.

“Doon ko po nasaksihan at nagusap sila na hinihikayat ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si dating Pangulong Duterte na maging active muli sa pulitika, maybe by running for national office bilang isang senador ngunit ang sagot naman ni Pangulong Duterte ay nag smile lang po siya tulad ng dati kokunsultahin niya po ang kanyang pamilya,” pahayag ni Go.

Si Medialdea umano ang nag-arrange ng usapan.