FL Liza ipinagtanggol ng netizens sa pintas ni Vivian Velez

NA-BASH nang todo ang dating boldstar na si Vivian Velez sa pasaring nito kay First Lady Liza Araneta Marcos.


Sa Facebook, ipinost ni Vivian nitong Sabado, April 20, ang screenshot photo ng kanyang lumang FB post na may kalakip na caption na “bring it on. we can do this.”


Dito nagpatutsada si Vivian. “Dapat ganyan ang itsura mo pagsinasabi mo ang ‘bring it on’ hindi yung mukha kang palaka,” aniya.


Walang binanggit na pangalan si Vivian kung sino ang pinatutungkulan niya pero sa comment section ay inilagay niya ang isang quote card ng First Lady.


Mababasa roon ang pahayag ni Gng. Marcos sa kanyang mga kritiko na, “Bring it on, honey. You are the size of your enemy. I will never stoop down that level. Everytime they say that, they become uglier and uglier.

Just look at their face ‘di ba? Tayo, cute pa rin tayo. What a life. Bring it on. There is such thing as karma.”


Dahil sa kanyang ginawa, naniwala ang mga netizens na ang First Lady ang pinipintasan niya.


Hindi naman ito pinalagpas ng tagasuporta ni Liza at niresbakab nila si Vivian.


“First Lady and Lawyer vs laos na Boldstar. Alright!”
“Gandang Natural walang halong kemikal.
First Lady Liza Marcos, Edukadang Abogada. Hindi laos na Retokadang Hubadera. Alright.”
“Heto mga ito kala mo naman hindi tatanda tsk tsk hindi ako BBM pero may mga bagay na dapat din lumugar.”
“Ikaw ang palaka kapal ng mukha mo.”
“Mas maganda si FLAM sa yo! Ikaw kung ano ano pa ang ginagamit mo sa mukha mo. Tanggalin mo make up mo kung anong itsura ka!”
“Akala mo kung magsalita perpekto.”


Samantala, hindi na mahagilap ng publiko ang nasabing FB post nI Vivian.