Bela hindi susundan pagpapakasal ni Angelica

BINARIL ni Bela Padilla ang mga haka-haka na siya na ang susunod na magpapakasal sa grupong AngBeKi kung saan kasama niya ang mga BFFs niyang sina Angelica Panganiban at Kim Chiu.


Sa Instagram, ibinahagi ni Bela ang mga photos at videos ng mga ganap sa kasal ni Angelica at asawang si Gregg Homan.


Caption ni Bela: “Please get married every year, @iamangelicap and @gregg_homan it was so lovely to witness your wedding ceremony the second time around.”


“Loved hanging out with friends, Angelica’s family that also treats her friends like family and our colleagues who I haven’t really seen too much since the pandemic and of course, the best kapasyalan to have… @chinitaprincess I always love seeing you happy and thriving! Will always celebrate life with you,” dagdag niya.


Sa comment section, ilang fans and followers ni Bela ang nagtanong kung sila na ba ng Swiss-Italian boyfriend niyang si Norman Bay ang susunod na ikakasal.


“Nope,” sagot niya sa isa.


“Noooo ngaaaa… kayo na mauna,” tugon niya sa ikalawa.


Nitong February ay nag-celebrate sina Bela at Norman ng kanilang fourth anniversary bilang magkasintahan.