‘Extraordinary Attorney Woo’ Park Eun Bin grand prize winner sa Baeksang Arts Award

BIG winner ang Korean actress na si Park Eun Bin, bida sa K-drama series na “Extraordinary Attorney Woo” sa Baeksang Arts Award.

Nakuha ni Bin ang grand prize for television para sa kanyang role bilang autistic lawyer na si Woo Young-woo.

Nakuha rin ng nasabing K-drama series ang 10 nomination kabilang ang Best Drama, Best Supporting Actor, Best Screenplay, at dalawang nominasyon din sa Technical Award.

Panalo rin si Yoo In-shik ng nasabing serye bilang Best Director.

Samantala, tinanghal namang Best Drama ang “The Glory” na unang inilabas sa Netflix noong Disyembre 30, 2022.

Winner bilang Best Actress ang bida sa serye na si Song Hye-kyo at si Park Yeong-jin, na siyang kontrabida sa serye bilang Best Supporting Actress.

Ginanap ang Baeksang Arts Awards nitong Biyernes sa Incheon, South Korea.