Yate lumubog sa Palawan, 4 nawawala

LUMUBOG ang isang yate sa bisinidad ng karagatan ng Tubbataha, Palawan ngayong Linggo, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ng PCG na nangyari ang insidente alas-6:49 ng umaga na kinasasangkutan ng DIVE YACHT M/Y “DREAM KEEPER.”

Ayon sa PCG umalis ang yate mula sa San Remegio, Cebu City, alas-4 ng hapon noong Abril 27 at dumating sa Tubbataha Reef alas-10 ng gabi noong April 29, 2023.

Sinabi ng PCG na nailigtas ang 28 katao, samantalang apat pa ang naiulat na nawawala.