Diesel may big-time rollback

MAGPAPATUPAD ng big-time rollback ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng diesel sa Martes.

Aabot sa P3.95 kada litro ang ipatutupad na bawas-presyo sa diesel habang bababa rin ang halaga ng gasolina, bagamat ito’y aabot lamang sa P0.85 kada litro.

Nasa P2.65 kada litro naman ang bawas na ipatutupad sa presyo ng kerosene o gaas.

Ayon sa Department of Energy (DOE) ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng pagbaba ng konsumo sa China dahil sa ipinatutupad na lockdown dahil sa zero Covid policy nito.