Cryptic quote ni Carmina patutsada kay Darren?

MAY bagong cryptic quote ang aktres na si Carmina Villaroel at hinala ng mga marites ay parinig ito sa singer-host na si Darren Espanto.


Ani Mina sa Instagram story: “Don’t expect the same in return.”


Ayon sa mga netizens, nag-post ang “Abot Kamay ang Pangarap” actress matapos lumabas na single si Darren sa kasalukuyan.


Naganap ang pag-amin ni Darren sa isang segment ng “Its Showtime” kung saan itinukso siya ni Vice at iba pang host kay Kapuso star Jillian Ward.


Tinanong ni Vice si Jillian, ang co-star ni Carmina sa “Abot Kamay ang Pangarap” kung may boyfriend na ito.


“Wala po,” sagot ni Jillian.


Isinunod naman ni Vice si Darren.


“Wala po,” ayon sa singer kung kumusta ang relationship status niya.


Dahil dito, kinilig ang mga host at mga nasa audience dahil bagay at may chemistry umano ang dalawa.
Matatandaan na matagal nang inili-link si Darren sa anak ni Carmina na si Cassy.