Cayetano mamimigay ng P10K sa estudyante

BAGO n’yo kalampagin, mga ka-PUBLIKO, si Sen. Alan Peter Cayetano para sa P10,000, basahin muna ito.

Hindi ayuda ang P10K, premyo ito sa kanyang pa-essay writing contest na bukas lamang sa mga senior high school students mula sa private at public shools.

Ayon sa kanyang tanggapan, kailangang sumulat ng 750-word essay ang estudyante para sa tanong na, “Kung ikaw ang Pangulo ng bansa at magbibigay ng SONA, ano ang ipaaabot mo sa mga kababayan mo?”

Mayroong dalawang kategorya, English at Filipino, pero ang sasali ay pwede lang mag-submit ng isang entry.

Ang mapipiling best essayist mula sa dalawang kategorya ay may cash prize na P10,000.

Hanggang July 25 lang ang submission ng entries.