Bigtime taas presyo sa diesel, kerosene nakaamba

MAGPAPATUPAD ng mahigit P5 kada litrong taas presyo ang mga kompanya ng langis sa diesel at kerosene sa susunod na linggo

Kinumpirma ni Atty. Rino Abad ng Oil Industry Management Bureau ang nakaambang pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo.

Idinagdag ni Abad na inaasahan na aabot sa mahigit P1 kada litro ang itataas ng presyo ng gasoline.

Resulta pa rin umano ito ng patuloy na gera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Inaasahang ipatutupad ang taas presyo sa Martes, Agosto 30.